INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 9,000 litro ng malangis na tubig ang nakolekta nito mula sa lumubog na motor tanker, sanhi ng malawakang oil spill sa probinsiya at mga karatig na lugar.
Sinabi ng PCG na nakakolekta ng nasa 9,463 litro ng oily water mixture at 11 na sako ng contaminated materials sa offshore operations.
Ang MT Princess Empress ay may dalang 800,000 na litro ng industrial fuel nang ito ay lumubog noong Pebrero 28 sa Oriental Mindoro.
Nasa ikalawang yugto na ang cleanup operations kung saan gagamit na ang awtoridad ng specialized bags upang masipsip at matanggal ang langis sa karagatan.
Sinabi ng PCG na hindi pa makapagbibigay ng timeline kung kailan matapos ang operasyon at naghihintay pa sila ng feedback mula sa mga eksperto.