NAKAPAGTALA ng 4,456 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa ngayong linggo o mula mula Abril 24 – 30.
Ito ay base sa latest case bulletin ng Department of Health (DOH) ang mga bagong kaso na mas mataas ng 42 porsiyento kung ikukumpara noong nakaraang linggo o mula noong noong Abril 17 – 23.
Sa mga bagong kaso, 22 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Noong Abril 30, 2023, mayroong 351 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.