Filipino community sa Macau, ipinagdiwang ang Pahiyas Festival 2023

Filipino community sa Macau, ipinagdiwang ang Pahiyas Festival 2023

NAGTIPUN-tipon muli ang mga Filipino community sa selebrasyon ng Pahiyas 2023 sa Macau.

Idinaraos ang Pahiyas Festival sa Sai Van Lake Square sa Macau Tower kung saan ito ang ika-21 taong selebrasyon nito sa Macau.

Inorganisa ito ng Quezonian Association sa pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang Filipino community na pinamumunuan ng Kapampangan Association.

Tiniyak ni Mr. Wabbet Cabugcal, na namuno sa pagdiriwang sa loob ng 21 taon, na ang pangunahing layunin ng Quezonian Association ay pag-isahin ang lahat ng mga Pilipino sa Macau.

Dumalo rin sa okasyon ang Philippine Consul General sa Macau at nagpaabot ng kaniyang mensahe para sa mga OFW.

Kinagiliwan din ng mga manonood ang ilang cultural performances mula Vietnam, Indonesia, at Pilipinas.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang event organizer sa lahat ng nagbigay ng suporta sa pagdiriwang.

Follow SMNI NEWS in Twitter