Dating DILG Undersecretary Martin Diño, pumanaw na

Dating DILG Undersecretary Martin Diño, pumanaw na

PUMANAW na si dating Interior and Local Government Undersecretary (DILG) Martin Diño matapos ang kaniyang pakikibaka sa sakit na cancer.

Ito ang ibinahagi ng kaniyang anak na babae na si dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Dino-Seguerra nitong Martes ng umaga Agosto 8.

Dakong 2 am nitong Martes nang mamaalam na ang dating DILG officer sa presensiya ng kaniyang pamilya.

Kilala sa kaniyang naiwang legasiya ang yumaong si Martin Diño bilang dating chairman ng “Violence Against Crime and Corruption” (VACC) sa paglaban ng mga karapatan ng inaapi at labanan ang kawalan ng katarungan bago ito hinirang bilang undersecretary ng DILG noong 2018.

Maliban sa paggiing mapagmahal ding asawa, ama, kapatid at kaibigan, ay kilala rin ito sa kaniyang pagiging seryoso sa trabaho at responsibilidad bilang public servant ng bansa na nagdulot ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa lalo na sa lokal na pamamahala at pagpapaunlad ng komunidad.

Matatandaang noong Hulyo ay ibinahagi ni Liza na mayroong stage 4 cancer ang kaniyang ama.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble