PORMAL na prinisenta ni non-resident Ambassador Designate Constance Chemwayi ng Republic of Zimbabwe ang kaniyang letter of credence kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa isang seremonya sa reception hall ng Malakanyang nitong Huwebes.
Ayon kay Ambassador-Designate Chemwayi, ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Zimbabwe ay nagpapaganda South-South Cooperation.
Bingyang-diin din nito na ang pagpapanday ng magandang ugnayan ng dalawang bansa ay magdudulot din ng magandang kooperasyong pang-ekonomiya.
Zimbabwe nakahanap ng inspirasyon sa Pilipinas kaugnay sa ‘Filipino diaspora’
Dagdag din ng ambassador designate ng Zimbabwe na intereasado itong matutunan sa naging karanasan ng Pilipinas para pakilusin ang mga mamamayan nito lalong-lalo na ang mga nasa ibang bansa para makatulong sa ekonomiya.
“We found inspiration from the way your country assists citizens in the diaspora to make meaningful contribution to the economy of their country,” ayon kay H.E. Constance Chemwayi, Non-resident Ambassador-Designate of the Republic of Zimbabwe to the Philippines.
PBBM, pinasalamatan ang Vietnamese envoy sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam
Samantala, tinanggap naman ni Pangulong Marcos si Vietnamese Ambassador to the Philippines Hoang Huy Chung para sa isang farewell call na ginanap sa study room ng Palasyo ng Malakanyang nitong Huwebes.
Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa Vietnamese envoy sa mga pagsisikap na ginawa nito upang mas mapalakas at mapabuti ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam partikular na sa usaping pagnenegosyo.
Nabanggit din ng Pangulong Marcos ang nasimulang pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam para mapagkasunduan ang interes ng dalawang bansa sa pinagaagawang South China Sea.
Umaasa si Pangulong Marcos na magkaroon na ng kasunduan upang magkaroon ng kahusayan sa rehiyon.
Magugunitang, sa ilalim ng Marcos administration ay inatasan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magkaroon ng ugnayan sa bansang Vietnam kaugnay sa 200 Nautical Miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ito’y kasunod ng naging bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Marcos at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa sidelines ng ASEAN Summit sa Indonesia.