Sen. Bong Go, personal na dinaluhan ang selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan

Sen. Bong Go, personal na dinaluhan ang selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan

KASABAY sa muling pagbisita ni Sen. Christopher ‘‘Bong’’ Go sa Kalibo, Aklan para personal na makisaya sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival, ang pagbibigay-diin nito sa kahalagahan at layunin ng itinatayong Super Health Center sa bansa.

Personal na dinaluhan ni Sen. Go ang pagbubukas ng Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, nitong nakaraang araw ng Oktubre 7.

Sa kaniyang talumpati, ipinahayag ni Sen. Go na ang Ati-Atihan Festival ay nagsisilbing higit pa sa selebrasyon ng kultura at pagkakaisa kundi isang pagkakataon din na palakasin ang turismo sa Kalibo na malaking tulong sa kabuhayan ng mga kababayang Pilipino.

“Mas maraming turista, ibig sabihin mas maraming income sa ating local stakeholders.

Sa turismo, may trabaho! Sa turismo, may negosyo na makakatulong sa mga kababayan nating Pilipino,” ayon kay Sen. Christopher ‘‘Bong’’ Go.

Itinatayong Super Health Centers, layuning mapadali ang pagbibigay ng tulong-medikal sa mga local levels—Sen Bong Go

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Go ang kaniyang pangako na serbisyo publiko, pagpapabuti ng pangangalaga sa kalusugan, at pag-unlad ng komunidad.

Aniya bilang chairperson ng Senate Committee on Health, ang kaniyang kasalukuyang mga prayoridad, ay ang pagtatayo ng Malasakit Centers at Super Health Centers sa Aklan at sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Iginiit pa nito na ang Regional Specialty Centers Act ay naglalayong i-decentralize ang mga espesyal na serbisyong-medikal at ilapit ang pangangalagang pangkalusugan sa mga tao.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Go sa mga lokal na opisyal, kabilang sina Gov. Jose Miraflores, Vice Gov. Reynaldo Quimpo, Mayor Juris Sucro, at Cong. Ted Haresco para sa kanilang suporta sa kaniyang mga isinusulong na mga programa.

Follow SMNI NEWS on Twitter