NANANAWAGAN ang Commission on Elections (COMELEC) na pumunta at makipag-ugnayan sa mga election officer ang 1% ng mga guro na hindi pa nakakakuha ng honoraria noong nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito’y dahil malapit nang matapos ang COMELEC sa pamamahagi ng honoraria sa mga guro na nagsilbi sa eleksiyon.
Sa datos ng komisyon, 99.45% sa Electoral Boards ang nakakuha ng kaniyang honoraria,
99.50% naman sa mga Department of Education (DepEd), Supervising Officers at 99.33% DepEd Support Staff.
Matatandaang mula sa 6-K at 5-K, ay itinaas sa 10-K at 9-K ang honoraria ng chairman at miyembro ng electoral board.
Ayon sa tagapagsalita ng COMELEC na si Atty. Rex Laudiangco na araw-araw na silang nanawagan pumunta at makipag-ugnayan sa mga election officer para makuha na ang kani-kanilang honoraria noong nakaraang eleksiyon.