DepEd, nakapagpatayo ng higit 2.2-K bagong silid-aralan ngayong 2023

DepEd, nakapagpatayo ng higit 2.2-K bagong silid-aralan ngayong 2023

HIGIT 2,200 bagong silid-aralan ang naipatayo ng Department of Education (DepEd) ngayong taon.

Ayon sa DepEd, nasa kabuuang 2,201 ang naipatayo nila kasabay ng 880 bagong health facilities.

Nasa 1,274 naman ang mga silid-aralan na naipayos ng DepEd at 45 Last School Miles classrooms ang naipatayo.

Bilang isa sa mga prayoridad ng ahensiya ang internet connectivity, nasa 25 paaralan ang napili para magkaroon ng Starlink connection.

2,000 paaralan naman ang nabigyan ng satellite para sa internet connectivity ngayong 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter