Pagbaba ng water level ng Angat Dam, bahagyang nakababahala—DENR

Pagbaba ng water level ng Angat Dam, bahagyang nakababahala—DENR

BAHAGYANG nakababahala na ang pagbaba ng water level ng Angat Dam.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Carlos David, nasa 30 hanggang 40 centimeters ang ibinababa ng water level ng Angat araw-araw kung kaya’t kailangan na ito ng intervention.

Nasa below normal pa aniya ang estimated rainfall para sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Sinabi naman nito na nasa 188 meters pa ang water level ng Angat o mataas pa sa minimum operating level na 180 meters at sapat pa ang magiging suplay ng tubig.

Sa panig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), hindi aabot sa critical water level na 160 meters ang Angat Dam kahit pa patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig nito.

Ang Angat Dam ay ang pangunahing pinagmumulan ng tubig sa Metro Manila.

Nasa 90% ay nagmumula dito habang ang natitirang 10% ay mula na sa iba’t ibang source gaya ng Laguna Lake.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble