Gunman kay Kidapawan broadcaster Ed Dizon, naaresto matapos ang 5 taong pagtatago

Gunman kay Kidapawan broadcaster Ed Dizon, naaresto matapos ang 5 taong pagtatago

NASA kamay na ng mga awtoridad ang gunman sa pamamaril sa brodkaster na si Ed Dizon noong 2019 sa Kidapawan.

Bunga ito mula sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 12 at Makilala Municipal Police Station sa pangunguna ni P/LtCol. John Miridel Racho Calinga, habang ang suspek ay nasa Bgy. Saguing, Makilala, Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Jonell Gerozaga na sinasabing nagtago ng 5 taon bago ito naaresto.

Pauwi na sana si Dizon sakay ng kaniyang kotse nang tambangan ito ng dalawang armadong lalaki sa isang bahagi ng Quezon Boulevard corner Diversion Road Sinsuat St., Kidapawan City.

Nagtamo ng limang tama ng baril si Dizon na siyang ikinamatay ng biktima.

Ayon naman kay Presidential Task Force for Media Security Executive Director Paul Gutierrez, ikinatutuwa nila ang development na ito kasunod ng pagkakadakip sa prime suspect ni Misamis Occidental Broadcaster na si Juan Jumalon aka ‘Johnny Walker’.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble