MAYROON nang bagong makakalaban si Denice Zamboanga sa nalalapit na ONE 167 event.
Ang French martial artist na si Noelle Grandjean na ang katunggali nito sa Hunyo 8, 2024.
Matatandaang unang inanunsiyo na hindi na matutuloy ang nakatakdang laban nina Zamboanga at Thai martial artist Stamp Fairtex.
Ito’y dahil nakapagtamo ng injury si Fairtex habang naghahanda para sa laban nila ni Zamboanga.