7 suspek arestado sa pagpupuslit ng nasa P21-M halaga na sigarilyo sa Davao Occ

7 suspek arestado sa pagpupuslit ng nasa P21-M halaga na sigarilyo sa Davao Occ

ARESTADO ang pitong indibiduwal matapos maharang ng mga tauhan ng Philippine Navy ang isang motor banca sa karagatang sakop ng Balut Island sa Davao Occidental.

Nakumpiska mula sa mga ito ang nasa 422 master cases ng mga puslit na sigarilyo.

Batay sa ulat ng Philippine Navy, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang BRP Dioscoro Papa sakay an Naval Task Force 71 nang maharang ang Jungkong type na motorbanca sa nabanggit na karagatan dahil sa kahina-hinala nitong aktibidad.

Nang sitahin ang mga sakay ng naturang bangka, tumambad sa kanila ang kahong-kahong mga puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P21-M.

Nabatid na dadalhin sana sa Digos City sa Davao del Sur ang mga naturang kontrabando subalit dahil sa walang maipakitang sapat na dokumento ay kinumpiska ang motorbanca habang inaresto naman ang mga sakay nito.

Hawak na ngayon ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang mga nasabat na kontrabando at dinala na sa General Santos City Sub-Port habang kinasuhan na ang mga sakay ng naharang  na motorbanca.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble