NATALO muli ang Alas Pilipinas Men sa kanilang laban kontra Bahrain sa AVC Challenge Cup.
Sa scoring na 18-25, 23-25, 20-25, lahat ay pabor sa host country na Bahrain.
Ang susunod na makakalaban ng Alas Pilipinas Men ay ang sinumang mananalo sa pagitan ng Qatar at Indonesia sa Pool C ngayong Miyerkules, June 5, 2024.
Sa kabila nito ay nakapag-ambag si Kim Malabunga ng 8 points, 6 attacks at dalawang blocks.