WALA pang itinalaga na officer-in-charge para sa Department of Education (DepEd).
Sa pahayag ng Malacañang, ang resignation ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng nabanggit na ahensiya ay epektibo pa sa Hulyo 19.
Dahil dito, mananatili ang pangalawang pangulo bilang DepEd Secretary hanggang magiging epektibo ang kaniyang resignation.
Nitong Hunyo 19 nang magbitiw si VP Sara bilang kalihim ng DepEd at vice chairperson ng NTF-ELCAC.
Sa kabila nito ay ipinangako niya na patuloy nitong susuportahan ang sektor ng edukasyon.