ITATAAS ng MRT-3 ang kanilang security alert level simula bukas, Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5, 2024.
Saklaw rito ang pagkakaroon ng dagdag security at station personnel para mag-assist ng mga pasahero.
Sa anunsiyo ng MRT-3 management, hakbang nila ito para matiyak na ligtas, organisado, at komportable ang biyahe ng commuters ngayong Undas.
Hinggil sa biyahe, ipaiiral ng MRT-3 ang kanilang regular operating hours.
Ibig sabihin, 4:30 AM ang first trip mula North Avenue habang 9:30 PM ang last trip.
Ang 1st trip naman mula Taft Avenue ay aalis ng 5:05 AM at ang last trip ay 10:09 PM.
Follow SMNI News on Rumble