IPAPA-dismiss dahil sa moonlighting kaugnay sa POGO ang 11 pulis.
Ipapa-dismiss ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang 11 police personnel kasama na ang limang officers.
May kaugnayan ang hakbang sa mga alegasyon ng moonlighting o ilegal na nagdi-deploy ang mga ito lalong-lalo na ang officers ng mga pulis bilang security escort sa isang Chinese national na sangkot sa online gambling operations.
Matatandaan na noong buwan ng Mayo ay dalawang police na mula sa PNP-Special Action Force ang naaresto sa Muntinlupa City.
Sa ulat, ang dalawa ay na-assign sa Zamboanga City subalit nagsilbi ring personal bodyguards ng isang Chinese.
May sabwatan pang nangyayari sa kanilang mga kasamahan para magmukhang naka-duty pa rin ang dalawa sa Zamboanga kahit na nasa Muntinlupa City ang mga ito.
Follow SMNI News on Rumble