Kaso ng hand, foot, and mouth disease sa Region 1, sobrang taas na noong Enero

Kaso ng hand, foot, and mouth disease sa Region 1, sobrang taas na noong Enero

TUMATAAS ang bilang ng kaso ng hand, foot, and mouth disease sa Region 1.

Sa datos ng Center for Health Development – Region 1, mula Enero 1 hanggang 18, 2025 pa lang ay nasa 253 na ang tinamaan ng hand, foot, and mouth disease sa rehiyon.

Sobrang taas ito kumpara sa naitalang 41 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Sa Pangasinan naman naitala ang 110 kaso ng hand, foot, and mouth disease at sa La Union ay may 101.

Kadalasan sa mga tinatamaan nito ay mga kabataang edad isa hanggang apat na taong gulang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble