NAKUHA ng Converge FiberXers mula sa Blackwater Bossing si Rey Suerte bilang kapalit ni BJ Andrade.
Magiging katuwang na si Suerte kina Jordan Heading at Alec Stockton para sa Converge.
Dagdag pa ng team, magandang addition din siya sa lineup gaya nina Justin Arana at Justine Baltazar lalo na’t malaki ang inaasahan mula rito.
Samantala, si Andrade na nasa Blackwater na ngayon ay kakabalik lang mula sa injury.