Mga pasaway sa nationwide gun ban sumampa na sa 1,499

Mga pasaway sa nationwide gun ban sumampa na sa 1,499

BATAY sa pinakahuling tala ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) nitong Martes, Marso 6, 2025, sumampa na sa 1,499 ang bilang ng mga lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).

Nanatili pa rin ang National Capital Region (NCR) na may pinakamaraming paglabag mula sa mga ikinasang operasyon ng pulisya, kasama na ang mga checkpoint.

Bukod sa mga sibilyan, tumaas din ang bilang ng mga lumabag mula sa hanay ng PNP, AFP, security guards, at iba pang law enforcement agencies.

Kaugnay nito, tumaas din ang bilang ng mga nakumpiskang baril na umabot sa 1,526.

Pinakamaraming nakumpiska ng mga awtoridad ang revolver, pistol, at iba pang uri ng armas, kabilang na ang pampasabog.

Mula noong Enero nang ipatupad ang nationwide gun ban, umabot na sa 372,549 ang naisagawang COMELEC checkpoint, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga pasaway na indibidwal at mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng ipinatutupad na batas ng COMELEC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble