KAHIT malayo sa Pilipinas, ipinakita ng mga Pilipino sa UK ang kanilang matibay na suporta sa mga kandidato ng PDP Laban para sa Senado.
Sa pamamagitan ng pakikiisa sa “Ayusin Natin Ang Pilipinas” nationwide campaign rally noong Abril 6, pinatunayan nilang walang distansya ang makakahadlang sa kanilang layuning makamit ang tunay na pagbabago para sa bansa.