ISANG lola na bibili lamang sana ng pagkain para sa apo na gagradywet ang nasawi matapos masagasaan ng truck sa Pototan, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Liberty Sinoy Perez, retired teacher, habang ang driver ay si Eddie Condido Jr., 37 taong gulang.
Ayon kay Police Lt. Adrian Balidog, dead on arrival sa ospital ang lola.
Ani ng driver, hindi niya napansing tumatawid ang biktima.
Nasa custody na ng pulisya ang driver at ang pahinante ng truck.