Pastor Quiboloy itutulak ang makabagong transportasyon para buhayin ang turismo

Pastor Quiboloy itutulak ang makabagong transportasyon para buhayin ang turismo

ISUSULONG ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Tourism Connectivity Enhancement Act sa pamamagitan ng modernong transportasyon, lalo na sa mga rehiyong matagal nang napag-iwanan gaya ng Mindanao.

Mula sa mala-kristal na tubig ng Enchanted River sa Surigao del Sur, sa puting buhangin ng Samal Island sa Davao del Norte, hanggang sa kultura at kasaysayang nakaukit sa Lake Sebu sa South Cotabato—at sa kataas-taasang bundok sa bansa, ang Mount Apo—hindi matatawaran ang likas na ganda at kayamanang taglay ng rehiyong ito.

Pero sa likod ng lahat ng ito, isang realidad ang patuloy na humahadlang: ang kakulangan sa maayos na konektibidad.

Ito ang dahilan kung bakit buo ang paninindigan ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy na panahon na para itayo ang isang modernong transportation network—kompleto sa bullet train systems, maayos na kalsada, at matitibay na tulay na magdudugtong sa mga pangunahing sentro ng turismo at kabuhayan—hindi lang sa Luzon o Visayas, kundi sa buong Pilipinas.

Lahat ito ay nakapaloob sa panukalang Tourism Connectivity Enhancement Act na isusulong ni Pastor Quiboloy oras na maupo siya sa Senado bilang bahagi ng kaniyang plataporma na “Ayusin ang Pilipinas”.

“Isusulong din natin ang turismo. Ang propose ko na tourism connectivity and enhancement act upang lumikha ng isang modernong network ng transportasyon kabilang ang sistema ng bullet train at kalsada na nag-uugnay sa mga pangunahing sentro ng turismo,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Candidate.
Partikular na binigyang-diin ni Pastor Quiboloy ang kahalagahan ng pagtutok sa Mindanao—isang rehiyong paulit-ulit nang napag-iiwanan sa mga programa ng kaunlaran at tila nalilimutan sa pambansang agenda.

“At ‘yan ay iaapply natin sa buong Pilipinas lalong-lalo na sa napag-iwanan na isla ng Mindanao, na tinatawag nilang Sub-Saharan Mindanao,” saad pa ni Pastor Quiboloy.

Kapag naisabatas ang panukala ng Butihing Pastor, hindi lang mga turista ang makikinabang—kundi pati ang mga lokal na negosyo, magsasaka, mangingisda, at buong komunidad. Sa mabilis at maayos na daloy ng tao at produkto, mas bibilis ang takbo ng kabuhayan, sabay na muling sisigla ang turismo sa bawat sulok ng bansa.

“Hindi na po maging Sub-Sahara ito, sapagkat ito ay magkakaroon ng modernong transportasyon lalo na ang mga train systems natin na siyang magbibigay ng mobilization sa ating pamayanan at kanilang mga produkto,” aniya pa.

Sa tulong ng panukalang ito, umaasa si Pastor Quiboloy na muling sisigla ang turismo sa bansa—at mas magiging pantay ang pag-unlad para sa bawat rehiyon, lalo na sa dakong timog ng Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga plataporma ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin lamang ang:

WWW.APOLLOQUIBOLOYNATIONBUILDER.COM

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble