SA isang video message, muling iginiit ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ang kaniyang buong suporta kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng sunod-sunod na akusasyon at tangkang pagpapabagsak sa kaniyang liderato.
Buo ang paninindigan ng Butihing Pastor na ipagtanggol ang Pangalawang Pangulo laban sa mga orchestrated na paninira at political maneuvering.
Iginiit ni Pastor Quiboloy na sa ilalim ng proseso ng impeachment, kinakailangan ng hindi bababa sa siyam na senador na boboto kontra rito upang mapigil ang tuluyang pagpapatalsik sa Pangalawang Pangulo.
Kaya naman, ayon sa kaniya, ang pagboto nang straight sa PDP-Laban ang nagsisilbing panangga o pananggalang ni VP Sara Duterte laban sa bantang impeachment at mga puwersang nais siyang pabagsakin.
“Pag na-impeach po tayo, habang buhay nang hindi makapaglilingkod sa bayan ang isang opisyal. ‘Yan ang gusto nilang mangyari kay Vice President Sara Duterte.”
“Kita ninyo ini-impeach ang Vice President sa mga unfounded na mga akusasyon tulad ng intelligence funds, samantalang bilyon-bilyon, trilyon-trilyon ang nilulustay noong nasa mga kapangyarihan,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy, DuterTen Senatorial Candidate.
Dagdag pa ni Pastor Apollo C. Quiboloy, mamimigay sila ng mga sample ballot sa buong bansa bilang gabay sa mga botante para matiyak ang solidong suporta sa buong slate ng PDP-Laban.
Aniya, ito ay hakbang upang maiwasan ang kalituhan sa balota at masigurong walang maiwan ni isa man sa mga kandidatong tutulong magprotekta kay Vice President Sara Duterte.
“Mahal natin si Vice President Sara Duterte, kaya huwag na tayong lumingon sa iba. Straight vote tayo sa PDP-Laban,” giit ni Pastor Quiboloy.
Tampok sa senatorial slate ng PDP-Laban ang tinaguriang DuterTEN:
KABILANG dito sina:
- Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa
- Sen. Christopher “Bong” Go
- Philip “Ipe” Salvador
- Atty. Jimmy Bondoc (dating PAGCOR Executive)
- Atty. Raul Lambino (dating CEZA administrator)
- Atty. Jesus “Jayvee” Hinlo Jr. (dating DILG undersecretary)
- Rep. Rodante Marcoleta (Sagip Party-list)
- Atty. Vic Rodriguez (dating Executive Secretary)
- Pastor Apollo C. Quiboloy
- Dr. Richard Mata
Ang panawagang ito ay bahagi ng kampanyang naglalayong palakasin sa Senado ang hanay ng PDP-Laban, ang partido ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.