Islam Community, kaisa sa kampanya ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Tigatto, Davao City

Islam Community, kaisa sa kampanya ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Tigatto, Davao City

DAVAO CITY – Sa nagpapatuloy na kampanyang “Ayusin Natin ang Pilipinas”, nagtipun-tipon ang mga taga-Tigatto, kabilang ang mga miyembro ng Islam Community, upang ipakita ang kanilang buong suporta kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Hindi naging hadlang ang pagkakaiba ng pananampalataya o katayuan sa buhay—bagkus, ito pa ang naging inspirasyon upang magkaisa para sa iisang layunin: ang maayos, makatarungan, at makataong kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

“Ang laban ni Pastor Quiboloy ay hindi laban ng isang relihiyon. Ito ay laban ng bawat Pilipino para sa kinabukasan ng kanilang mga anak,” pahayag ng isa sa mga pinunong Muslim na dumalo sa pagtitipon.

Ang pagtitipon ay isa sa mga patunay na ang kampanya ni Pastor Quiboloy ay hindi nakasentro sa iisang sektor, kundi bukas para sa lahat ng Pilipinong naghahangad ng tunay na pagbabago. Ang mga plataporma tulad ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, kabuhayan, at moralidad ay tumatagos sa lahat—anumang pinaniniwalaan o pinanggalingan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter