BUMABA ng 75 sentimos kada kilowatt-hour ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Mayo.
Ibig sabihin, ang kabuuang singil ay nasa P12.26 na kada kilowatt-hour.
Mas mababa ito kumpara sa P13.01 noong buwan ng Abril.
Dahil dito, ang isang karaniwang residential customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan ay makatitipid ng humigit-kumulang P150 ngayong Mayo.
Sakop ng Meralco ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at mga piling lugar sa Pampanga, Laguna, Batangas, at Quezon.