3 batang Pinay nag-uwi ng mga medalya sa Sawasdee Cup 2025

3 batang Pinay nag-uwi ng mga medalya sa Sawasdee Cup 2025

TAGUMPAY ang tatlong batang Pinay na naghatid ng karangalan sa bansa matapos magwagi sa Sawasdee Cup 2025 sa Bangkok, Thailand.

Sa rope apparatus, nasungkit ni Randhale Sky Paz ang gintong medalya, habang si Zoe Solen Reyes ay nag-uwi ng bronze medal.

Sa hoop apparatus naman, tumanggap din ng bronze medal si Jewel Mitch Cardaño.

Pasok din sa top 10 ang iba pang miyembro ng koponan tulad nina Nadynne Corpuz, Nur Alyssa Ithnin, Cefie Balanay, Christine Miguel, Loureen Nicolas, at Kylie Duyao.

Tunay ngang may malaking potensyal ang mga nasabing manlalaro na maghatid pa ng karangalan sa bansa sa susunod na pagkakataon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble