HINDI pa makapaglalaro si Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025.
Ayon sa manlalaro, wala pang tiyak na timeline kung kailan siya makabalik dahil nagpapagaling pa ito mula sa natamong ACL injury sa kaniyang kaliwang tuhod noong Enero.
Nasa tatlo at apat na buwan pa lang ang kaniyang rehabilitation at madalas na aabot ng isang buong taon ang pagpapagaling ng ACL injury.
Maaaring mula rito ay hindi rin makasama sa unang window ng FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers sa Nobyembre si Sotto.