Israel pahihintulutan na ang pagpasok ng suplay ng pagkain sa Gaza

Israel pahihintulutan na ang pagpasok ng suplay ng pagkain sa Gaza

PAHIHINTULUTAN na ng Israel ang pagpasok ng mga pagkain sa Gaza Strip.

Kasunod ito sa matinding panawagan na alisin ang barikada na ipinatupad mahigit dalawang buwan na ang nakalipas.

Binigyang-diin ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang pagpapasok ng pagkain ay dapat nakabatay lang sa dami ng populasyon.

Sa kabila nito ay nagsisimula na rin ang panibago at mas matinding ground operations ng Israeli military sa Gaza ngayong linggo.

Tinatayang mula rito, mahigit 150 na ang nasawi ayon sa Palestinian Health Ministry.

Ang mahigit 130 sa naturang bilang ay napatay umaga nitong Linggo, Mayo 18, 2025.

Ipinagpaliban ng Estados Unidos ang pagpapatupad ng 46% taripa sa Vietnam hanggang sa Hulyo.

Kasunod ito sa negosasyon ng Vietnam at Estados Unidos noong Mayo 16 sa gitna ng nakaambang pagpapataw ng estados unidos ng taripa sa mga produktong inaangkat mula sa Vietnam.

Ang naturang buwis ay inaasahang magdudulot ng malaking epekto sa paglago ng ekonomiya ng Vietnam, na umaasa nang malaki sa pag-eexport ng mga produkto sa Amerika.

Nauna nang nagsimula ang opisyal na negosasyon sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono nina Vietnamese Trade Minister Nguyen Hong Dien at US Trade Representative Jamieson Greer.

Ayon sa Vietnamese Trade Minister, sumang-ayon si Greer sa posisyon at mungkahi ng Vietnam. Ipinahayag din ng Estados Unidos ang kanilang pag-asa na magdudulot ng positibong resulta ang kanilang pag-uusap.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble