TARGET simulan ang rehabilitasyon sa EDSA sa kalagitnaan ng Hunyo 2025.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, ngayong umaga.
Aminado si Dizon na marami pang kailangan isapinal dahilan kung bakit naaantala ang rehabilitasyon.
Sa susunod na linggo, target na ilatag ang mga hakbang upang paghandaan ang inaasahang matinding trapiko.