TANGHALING tapat nang magulantang ang isang pamilya sa Brgy. 109-A, Tacloban City matapos na makita ang isang reticulated python o sawa na pababa mula sa kisame ng kanilang banyo nitong Hunyo 8.
Marahil ay naghahanap umano ng malamig na lugar ang sawa kaya ito napunta sa kanilang banyo.
Agad namang humingi ng tulong sa kapitbahay ang pamilya para makuha ang sawa na may isang metro ang haba.
Ligtas namang nailigtas ang ahas na umabot ng 15 minuto.
Paalala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli at pagkatay ng anumang wildlife gaya ng sawa na ngayon ay na-i-turn -over na sa ahensiya.