IAANUNSIYO ngayong araw ng Supreme Court ang listahan ng pangalan na pumasa sa 2020/21 Bar exams.
Ilalabas ang resulta sa kauna-unahang digitalized at regionalized Bar examination.
Pangungunahan ni Associate Justice Marvic Leonen, chairman ng 2020/21 Bar Examination, ang paglabas ng Bar exams results.
Matatandaang hiniling ni Leonen sa Korte Suprema na magsagawa ng special en banc session ngayong araw para ianunsiyo ang listahan ng mga pumasa.
Nasa 11,300 ang kumuha ng pagsusulit na isinagawa noong Pebrero 4 at 6 sa 31 local testing centers sa buong bansa.
Sa NCR, ilan sa mga pinagsagawaan ng bar exams ay sa UST, FEU, at De La Salle University sa Maynila.
Hindi tulad noon na isang buwan ang pagsusulit, ngayon ang pagsusulit ay ginawa ng dalawang araw—Pebrero 4 at 6, 2022 dahil sa pandemya.
Atty. Panelo sa Bar passers: kung ano ‘yung batas, ipatupad natin
Samantala sa naging panayam naman ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang SMNI Exclusive, may mensahe si senatorial candidate Atty. Sal Panelo sa mga bagong Bar passers.
Aniya na gawin ang mga natutunan sa paaralan, huwag liliko at ipatupad kung anuman ang nakasaad sa batas.
Ito na ang pinakamabilis na turnover ng mga resulta.
Noon kasi, ang Bar exams ay isinasagawa sa Setyembre o Nobyembre at ang resulta nito ay lalabas naman sa Abril o Mayo sa susunod na taon.