Death penalty sa big-time drug offenders, suportado ng pulisya

Death penalty sa big-time drug offenders, suportado ng pulisya

SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na death penalty para sa big-time drug offenders.

Ito ang iginiit ni PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. bilang bahagi ng pinaigting na anti-illegal drugs operation.

Ayon kay Danao, nararapat lamang ang nasabing panukala lalo na sa mga mahuhulihan ng sobrang dami ng iligal na droga.

Maliban dito, ikinatuwa ni Danao ang plano ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na ipagtatanggol ang mga pulis na makararanas ng harassment o sasampahan ng walang basehan na kaso ng mga personalidad na sangkot sa iligal na aktibidad.

Tiniyak naman ni Danao kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang  walang humpay na kampanya laban sa iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter