Panukalang Department of Disaster Resilience, suportado ni PBBM

Panukalang Department of Disaster Resilience, suportado ni PBBM

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isinusulong na panukalang batas para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na kinakailangan na rin ang isang ‘specialty agency’ para sa pagtugon sa kalamidad.

Kailangan na aniya ng bansa ang mas ibayong pag-iingat at mas palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa anumang sakuna gaya ng lindol, bagyo, maging ng climate change.

Una rito, muling nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go para sa pagpasa ng panukala para sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience (DDR) sa bansa.

Ito ay sa gitna ng pagtama ng lindol sa ilang probinsya sa luzon.

Ipinunto ni Go na napapanahon na rin na talagang magkaroon ng sariling departamento na may secretary-in-charge upang matiyak na mas magiging mas mabilis ang pagtugon ng pamahalaan tuwing may krisis o sakuna.

Samantala, inihayag din ni Pangulong Marcos na hindi pa kailangan sa ngayon ang magdeklara ng state of national calamity.

Sinabi ni Marcos na hindi pa kailangan ang naturang deklarasyon dahil ang lawak ng mga apektadong lugar ay nasa dalawang rehiyon lamang.

 

Follow SMNI News on Twitter