UMABOT na sa halos sa P400M ang halaga ng pinsala na idinulot ng lindol sa kalsada at tulay ayon sa partial report ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa huling ulat ng DPWH, umakyat na sa P396. 58M ang halaga ng pinsala ng lindol sa mga kalsada at tulay sa Region 1, 2 at CAR.
Para sa break down, ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, P104. 53M ang halaga ng pinsala sa national roads, habang P292. 05M naman sa mga tulay.
Samantala, impassable pa rin o nanatiling sarado ang nasa 5 road sections sa CAR at Region 1 dahil nagpapatuloy pa roon ang clearing operations ng DPWH quick response team.
Mga daan na nananatiling sarado dahil sa lindol:
1) Lubuagan-Batong Buhay Road K0463+700, K0464+000 sections in Puapo, Dangtalan, Pasil and K0464+600, K0464+700, K0464+800 sections in Colong, Lower Uma, Lubuagan, in Kalinga Province (due to landslide and rock collapse);
2) Baguio – Bontoc Road K0347+090 – K0347+180, and K0347+280 – K0347+340 Mt. Data Cliff, Bauko, Mt. Province (due to soil collapse);
3) Tagudin – Cervantes Road K0350+950, and K0353+100 section in Ilocos Sur (due to landslide and rockslide);
4) Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio-Quirino Road K0393+000 Brgy. Cayos, Quirino, Ilocos Sur (due to landslide and rockslide); and
5) Cervantes-Aluling-Bontoc Road K0387+(-950), Brgy. Aluling, Cervantes, Ilocos Sur (due to landslide and rockslide);
Target ng ahensiya na mabuksan ang ilang kalsada sa CAR bukas araw ng Sabado, bandang 5 pm.
Samantala, inaatasan ngayon ang lahat ng mga building officials na magsumite ng komprehensibong ulat kaugnay ng kanilang findings sa mga gusali na napinsala ng lindol.
Ito ay kasunod ng National Building Code Development Office Memorandum Circular No. 01, Series of 2022 na ipinalabas ni DPWH Sec. Manuel Bonoan noong july 27, na nag-uutos sa mga building officials na magsagawa ng agarang inspeksyon sa mga gusali.
Ayon naman sa kalihim, kasalukuyan nang nagsasagawa ng assessment ang mga building officials sa CAR at Region 1 patungkol sa structural components ng mga pribado at pampublikong gusali na naapektuhan ng lindol.
Sa pamamagitan nito, malalaman kung naging compliant ang mga gusali sa building code.