OVP, iginiit na fake news ang ulat na araw-araw gumagamit ng chopper si VP Sara para ihatid sa Davao

OVP, iginiit na fake news ang ulat na araw-araw gumagamit ng chopper si VP Sara para ihatid sa Davao

IGINIIT ng Office of the Vice President (OVP) na fake news ang mga ulat na lumalabas sa ibang media na araw-araw gumagamit ng chopper si Vice President Sara Duterte para ihatid sa Davao kagaya ng inilalabas sa media.

Ayon kay Vice Presidential spokesperson Atty. Reynold Munsayac, naka-base na si VP Sara at ang kaniyang pamilya dito sa Maynila.

Dagdag pa ni Munsayac na dito na rin nag-aaral ang mga anak ni Duterte sa Maynila.

Paliwanag pa ni Munsayac na land vehicles ang ginagamit araw-araw ni Duterte at gumagamit lang ng chopper kung kailangan sa official work at functions na magbabase sa lugar na pupuntahan at urgency of schedule.

Tiniyak ng OVP na sa history ng public service ni VP Sara, alam ng lahat ng mga nakatrabaho ng pangalawang pangulo na siya ay napakahusay at pinoprotektahan ang mga government resources sa lahat ng oras.

Follow SMNI NEWS in Twitter