Drug importation case, naisampa na laban sa anak ni DOJ Sec. Remulla

Drug importation case, naisampa na laban sa anak ni DOJ Sec. Remulla

KINASUHAN ang panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na naaresto matapos tumanggap ng parcel na naglalaman ng P1.3-M halaga ng kush o high grade marijuana.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nahaharap ngayon si Juanito Jose Diaz Remulla III sa kasong may kaugnayan sa importation ng dangerous drugs at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Inihain ang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Las Piñas City kahapon, Oktubre 13 o dalawang araw matapos maaresto si Juanito.

Sa ilalim ng Article III Section 4 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, life imprisonment at multang mula P500,000 hanggang P10 milyon ang ipapataw sa sinumang sangkot sa importation ng iligal na droga.

Oktubre 11 nang magsagawa ng controlled delivery operation ang PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task sa BF Resort Village in Talon Dos, Las Piñas City.

Follow SMNI NEWS in Twitter