ARESTADO ang 27 indibidwal sa pinaigting na anti-illegal drug operations ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Calabarzon.
Sa ulat kay PRO Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., nasamsam sa 18 operasyon mula Nobyembre 2 – 3 ang 18.32 gramo ng shabu at 1,000 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit 247,000 piso.
Kabilang sa nahuli ang suspek na kinilalang si Christian Jonel Bermudo Babagay, alyas Jonel kung nakuha sa kanya ang mahigit 121,000 pisong halaga ng high-grade marijuana o kush.
Si Babagay ay isang college student na itinuturing bilang isang high-value drug individual ng Antipolo City Police Station.
Sasampahan ang mga nahuli ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni General Nartatez ang kanilang nga tauhan sa pinaigting na kampanya kontra droga at kriminalidad at hiniling ang pakikiisa ng komunidad sa ilalim ng Kasimbayanan Project upang matamo ang pag-unlad sa rehiyon.