TULUY-tuloy sa pagkukumpuni ang Philippine National Railways (PNR) sa kanilang riles na naapektuhan ng Bagyong Paeng kamakailan.
Ayon sa PNR, inaayos pa ang riles sa bahagi ng Candelaria at Sariaya Quezon matapos ang gumuhong bedding ng mga riles.
Gayundin ang mga nagbagsakang mga puno, mga umagos na bato at basura sa kanilang revenue line.
Bukas lamang ang biyahe mula Tutuban-Biñan, Alabang-Biñan, Tutuban-Governor Pascual sa Malabon at biyaheng Naga-Sipocot.
Pagtitiyak naman ng pamunuan ng PNR na maibabalik ang full operations sa susunod na 3 linggo.