Pamamahagi ng regalo sa Maynila, pinangunahan ni PBBM at First Lady Marcos

Pamamahagi ng regalo sa Maynila, pinangunahan ni PBBM at First Lady Marcos

DAAN-daang mga benepisyaryo ang nakatanggap ng Pamaskong Handog mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ngayong araw, Disyembre 22, 2022 sa Open Amphitheater sa Rizal Park, Maynila.

Ito ay bilang bahagi ng programang “Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino” na layong tulungan ang mga katutubo at street dwellers.

Tinatayang nasa 400 kabataan at 574 pamilya kabilang ang ilang miyembro ng indigenous people (IP) groups na dating nasa mga lansangan at ngayo’y naibalik na sa mga komunidad ang mabibigyan ng Pamaskong Handog.

Laman ng kanilang Pamaskong Handog ang food packs, hygiene kits, at gift packs habang mayroon ding mga school supplies para sa mga bata.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang DSWD sa kanilang pagsisikap na maisakatuparan ang Pamaskong Handog caravan at sa kanilang pagresponde sa mga sakuna.

Samantala, muling inanyayahan ni Pangulong Marcos ang mga benepisyaryo at ang publiko na magsimbang gabi at mamasyal sa Malacañang Palace.

Follow SMNI NEWS in Twitter