NAGPAPANGGAP lang na inosente pero totoong komunista ang Alliance of Concerned Teachers Partylist (ACT Teachers Partylist) ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinupalpal ni FPRRD ang ACT Teachers Partylist kaugnay sa pagbatikos nito sa DepEd kaugnay sa isang memorandum.
“Wag na tayo magbolahan, noon pa man matagal na, alam ko na talagang leftist kayo,” ayon kay FPRRD.
Nagpapanggap lamang na inosente ang Alliance of Concerned Teachers Partylist.
Ito ang inihayag ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa programang Gikan sa Masa para sa Masa nitong Lunes kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito’y kaugnay sa paratang ng ACT sa Departmend of Education sa umano’y profiling nito sa mga miyembro ng ACT Teachers.
“Kayong mga ACT, ‘wag na kayong mag-acting-acting, it’s for show, your acting to be innocent, talagang mga leftist kayo,” saad nito.
Binigyang-diin ito ng dating pangulo kasunod ng inilabas na Memorandum ng DepEd nitong Hunyo a-14, kung saan inaatasan ng ahensya ang mga school division na ilabas ang listahan ng mga guro na kasapi ng ACT na gumagamit ng Automatic Payroll Deduction System.
Ayon sa dating pangulo noon pa man ay matagal nang kinikilala na makakaliwa ang nasabing grupo.
Kaya naman kinwestyon ng dating pangulo ang patuloy na pagtanggi ng ACT teachers na hindi sila kasapi ng makakaliwang grupo at ang pagkundena nito sa umano’y red-tagging.
‘’Bakit ayaw niyong left, ikinahihiya ninyo? Ikinahihiya ninyo ang ideology ninyo na binibigay mo sa tao?’’
Dating Pangulong Duterte, nanawagan sa mga guro na huwag magpalinlang sa ACT Teachers
Sa huli, pinayuhan naman ni Dating Pangulong Duterte ang mga guro na huwag nang magpalinlang sa ACT Teachers dahil wala itong ginawang maganda sa ating bayan.
Matatandaang ilang beses nang isiniwalat ng mga dating myembro ng mga komunistang teroristang grupo na isa ito sa mga prenteng organisasyong ginagamit ng Communist Party of the Philippines upang makapag-recruit sa NPA.
“Kayong mga maestra, im addrresing this to you, do not allow yourself to be lured by itong ACT members. Puro komunista ito walang ibang ginawa sa bayan natin,” saad ni FPRRD.