AFP ikinokonsiderang bumuo ng panibagong unit

AFP ikinokonsiderang bumuo ng panibagong unit

TINITINGNAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad ng paglikha ng isang bagong unit na tututok sa strategic defense ng Pilipinas.

Bilang tugon ito sa lumalawak na mga hamong pangseguridad sa buong mundo at sa pagtatatag ng bansa ng mga bagong alyansa.

Sa paliwanag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang pagbuo ng AFP strategic defense command ay layong maisaayos ang mas mabilis na tugon sa mga insidente.

Dagdag pa niya, pataas nang pataas bawat taon ang mga military exercises tulad ng Balikatan kasama ang mga kaalyadong bansa kung kaya’t mahalagang pagtuunan ng pansin ang modernisasyon, bagong kagamitan, pagsasanay, at kakayahan nilang magsanib-puwersa ng iba’t ibang militar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble