TINANGGAL na ng Miss Universe Organization ang age limit sa mga sasali ng nabanggit na pageant.
Ayon sa organization, maaari nang makasali mula ngayon sa Miss Universe ang mga kababaihan na 29-taong gulang o higit pa.
Matatandaang sa 70 taong kasaysayan nila ay maaari lang sumali sa Miss Universe ang kababaihang 18-28 taong gulang.
Sa 2024 naman magsisimulang ipatutupad ang patakaran na ito.
Samantala, sa Nobyembre 18 sa El Salvador ang coronation night ng Miss Universe 2023.