Akbayan, desperadong makabalik sa Kongreso kaya idinadaan sa paninira ang pagpapasikat—Ka Peter Mutuc

Akbayan, desperadong makabalik sa Kongreso kaya idinadaan sa paninira ang pagpapasikat—Ka Peter Mutuc

NAGPAKALAT ng mga poster sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa Quezon City ang Akbayan Youth para siraan si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ang Akbayan Youth ay mga kabataang aktibista na ang pananaw ay laging kontra-gobyerno.

At para sa dating kadre ng Communist Terrorist Group (CTG) na si Peter Mutuc, desperado na ang Akbayan dahil sa hakbang.

Sa panayam sa SMNI, ipinaliwanag ni Mutuc na ang pagbibida-bida ng Akbayan Youth ni Sen. Risa Hontiveros ay propaganda para manalo sa paparating na eleksiyon.

Kasama ang Akbayan sa electoral alliance ng mga kandidatong kasapi ng Otso Diretso slate na natalo noong 2019 mid-term elections.

Bukod sa Akbayan, kasama rin sa koalisyon ang Liberal Party, Magdalo at Aksiyon Demokratiko.

Kaya ani Mutuc, halatang-halata na politically motivated ang mga paninira kay Pastor Apollo sa layuning makahimok ng botante sa eleksiyon.

Kaisa ng mga dating NPA kadre, naniniwala si Mutuc na hinding-hindi na makababalik ang Akbayan sa Kongreso.

Pati na ang re-election bid ni Hontiveros sa susunod na taon.

Nagbabala naman si Mutuc na kapag hindi titigil si Hontiveros sa paninira kay Pastor Apollo, mayroong lilitaw at magsasalita para isiwalat sa publiko na wala itong moral ascendancy na pumuna laban sa butihing Pastor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble