PANALO ang Alas Pilipinas Men sa kanilang unang game sa 2025 Alas Pilipinas Invitationals nitong Martes, Hunyo 10, 2025.
Sa iskor na 25-23, 27-29, 25-21, 25-22, tinalo nila ang volleyball team mula sa Jakarta.
Si Louie Ramirez ang nanguna para sa Alas Pilipinas Men matapos nag-ambag ng 25 points.
Ang 2025 Alas Pilipinas Invitationals ay nagsimula noong Hunyo 10 at magtatapos sa Hunyo 12.
Samantala, kasali rin ang Alas Pilipinas Men sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na gaganapin ngayong Setyembre 12–28.