Alas Pilipinas, tinalo ang Thailand sa historic volleyball victory sa Araw ng Kalayaan

Alas Pilipinas, tinalo ang Thailand sa historic volleyball victory sa Araw ng Kalayaan

HINDI nagpaawat sina Marck Espejo at ang Alas Pilipinas Men sa kanilang makasaysayang pagwawagi matapos talunin ang Thailand sa isang matinding five-set match, 25-21, 21-25, 25-22, 21-25, 15-11, nitong Huwebes, sa Smart Araneta Coliseum.

Sa likod ng 31 points ni Espejo mula sa 24 attacks, isang block, at anim na service aces, natamo ng Alas Men ang perpektong 3-0 sweep sa tatlong-araw na Invitational Tournament.

Bagamat nahuli sa simula ng deciding fifth set, bumawi ang Pilipinas sa pangunguna nina NU standouts Buds Buddin at Leo Ordiales. Naitabla ang laban sa 10-all bago muling umatake si Espejo, kabilang na ang isang crucial service ace, para makuha ang lamang.

Sunod-sunod naman na palo mula kay Buddin ang nagbigay ng match point sa Alas, bago tuluyang tinapos ni Espejo ang laro sa pamamagitan ng isang malakas na backrow attack—isang makasaysayang panalo sa Araw ng Kalayaan.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas kontra Thailand sa men’s volleyball mula noong 2019 Southeast Asian Games.

Double celebration din ito para sa Alas Pilipinas, matapos magwagi rin ang women’s team kontra Kazakhstan sa isang straight-sets win sa 2025 AVC Women’s Nations Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble