LUMABAS na ang official draw para sa 2025 Italian Open at napunta si Pinay tennis player na si Alex Eala sa parehong quarter ng World No. 1 na si Aryna Sabalenka.
Ngunit bago pa ang posibilidad na makalaban ni Eala si Sabalenka, sa unang quarter ng women’s singles draw ay haharapin nya muna sa unang round ang World No. 27 na si Marta Kostyuk mula Ukraine.
Kung mananalo si Eala ay posibleng makaharap nya sa second round ang World No. 15 na si Daria Kasatkina ng Australia.
May posibilidad din na makakalaban nya ang Canadian-Filipino na si Leylah Fernandez sa round-of-32.
Ang Italian Open ay gaganapin mula ngayong araw, Mayo 6–18, 2025.