MADRID, SPAIN | Abril 22, 2025 – Nakatakdang humarap sa panibagong international challenge ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa pagsisimula ng 2025 WTA 1000 Madrid Open ngayong araw.
Muli, posibleng magkrus ang landas nina Eala at Iga Swiatek, kasalukuyang World No. 2, matapos na mapabilang sa iisang bracket sa prestihiyosong torneo.
Kasama rin sa bracket sina:
Jelena Ostapenko – World No. 23
Sorana Cirstea – World No. 119
Lesia Tsurenko – World No. 239
Ngunit bago pa man makasagupa si Swiatek, kailangan munang lampasan ni Eala ang dalawang mabibigat na kalaban:
Lesia Tsurenko (Round 1)
Sorana Cirstea (Round 2)
Matatandaan na tinalo ni Eala si Swiatek sa Miami Open 2025, isang historic win na nagbigay ng atensyon sa Pinay athlete sa international tennis scene. Kung magtatagumpay muli si Eala sa unang dalawang round, maaari silang muling magharap sa ikatlong round o mas mataas.
Ang Madrid Open ay isa sa mga pinaka-inaabangang clay-court tournaments ng taon, bahagi ng WTA 1000 series.