NAGNINGNING sa international stage ang kandidata ng Pilipinas na si Alexie Brooks sa coronation night na ginanap noong Abril 29 sa Alexandria, Egypt.
Pinatunayan ng kandidata na karapat-dapat niyang makuha ang ikatlong Miss Eco crown ng bansa.
Mula sa kaniyang pag-rampa sa National Costume suot ang Philippine-Eagle inspired outfit na gawa ni Tata Blas Piñuela, hanggang sa Question and Answer portion ay napusuan ng mga judges si Alexie kaya naman napili siya as Miss Eco International 2025.
Si Alexie din ang unang “Black Woman” na kinoronahan sa nasabing pageant.
Year 2018 nang makuha ng beauty queen na si Cynthia Thomalla ang unang Miss Eco crown, at 2022 naman nang makuha ni Kathleen Paton ang second Miss Eco crown.