Ambassador ng Israel at VP Sara Duterte, nagkita

Ambassador ng Israel at VP Sara Duterte, nagkita

NAG-usap kamakailan sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Ambassador ng State of Israel na si His Excellency Ilan Fluss.

Nakikidalamhati si VP Sara sa lahat ng mga nasawi sa patuloy na pagtutunggali sa bansang Israel.

Pinasalamatan din nito ang pagkilala sa katapangan ng mga Pilipino na nasawi at sa tulong na pinaaabot ng pamahalaang Israel sa mga naiwang pamilya na halos ay “breadwinners” ng kanilang pamilya.

Saad ni VP Duterte na patuloy na sumuporta para sa mapayapang solusyon na makakatulong sa pangmatagalang kapayapaan.

Pangunahing biktima aniya ay ang mga inosenteng sibilyan lalo na ang mga bata.

Samantala, sa larangan ng edukasyon, napag-usapan nila ni Ambassador Fluss ang patuloy na pagtutulungan at kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter