MANANATILING purong Pilipinong sundalo ang magsasagawa ng rotation and resupply mission (RoRe) sa Ayungin Shoal.
Ito ang inihayag ni Asst. Director General Jonathan Malaya ng National Security Council (NSC) matapos matanong kung ano ang magiging susunod na hakbang ng pamahalaan sa paghahatid ng supply para sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.
Matatandaan na naging mas agresibo na ngayon ang Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong naghahatid ng supply sa nasabing lugar na kung saan naputulan ng daliri ang isang navy personnel.
Ayon kay Malaya bagamat kaalyado ng Pilipinas ang bansang Amerika hindi aniya ito kasama sa mga gagawing RoRe operations ngunit mananatili aniya itong tutulong sa pagbibigay ng pagsasanay at modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).